naman naman

6 02 2009

after more than 2 years yung mga rants ko eh para pa rin sayo. ok so hindi na talaga ganun kalalim ang nararamdaman ko sayo at more on inis na lang palagi. yung pagnanasa eh medyo wala na din dahil alam kong malabo talaga saka siguro nagsawa na din ako. nakakasawa din pala. yung maubos ang oras mo sa kakaisip sa isang tao. kakaisip ng mabuti at masamang bagay. dapat inisip ko din ang ibang tao, bagay at sarili ko. siguro dahil pagdating sa ganitong aspeto ng buhay eh tanga ako. pero hindi naman sagad sa katangahan. malapit na.. pero hindi umabot sa dulo.

okay naman pala na hindi kita nakikita talaga. na hindi kita nakakausap. kaya ko naman pala talaga. sino ba kase ang me sabi na hindi ko kayang mawala ka eh hindi ka naman naging akin. bwahahaha. tinatawanan ko ang aking sarili ngayon sa mga kagaguhang ginawa ko sa sarili ko para lang mapansin mo. wala namang kulang. hindi lang talaga uukol kaya ganun. ayon. masakit sa una pero pag araw araw mong naramdaman ang sakit masasanay ka din. magiging manhid ka din hanggang sa parang wala na lang. kahit me konti pang pagseselos at inis eh ganun talaga. mahirap mang tanggapin eh kailangang tanggapin. ang buhay nga naman. sana hindi na lang kita nakilala. siguro tahimik na ang buhay ko ngayon. pero tahimik na din naman ulet. at malapit na talagang tayo ay magkalayo ng landas. yun nga lang ang iniwan mong alaala ay medyo mapait sa pakiramdam. basta bahala na ako sa buhay ko at bahala ka na din sa buhay mo. anuman ang mangyari sa yo wala na akong pakialam maganda man o masama.

Advertisement

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.